Maraming mga fake news na balita ngayun ang kumakalat patungkol sa Corona Virus. Kaya naman ang World Health Organization ay naglabas ng Labing dalawang fake stories kasunod nito para bigyang linaw ang publiko.

Una, Ang ANTIBIOTIC daw ay mabisang panglaban sa COVID-19. Pinabulaanan ito ng WHO at sinabing ang antibiotic ay para sa bacteria at hindi ito para sa virus. Pero, sinabi din nila na sa pagkakataong binigyan ang pasyente ng antibitics, ito ay para iwasan lang ang posibleng bacterial infections na pwedeng madevelop sakaling ikaw ay infected na.

Pangalawa, Ang COVID-19 ay kumakalat sa ere sa malayong distansya. Sinabi nilang ang virus na ito ay pwedeng kumakalat sa pagbaheng o pag-ubo ng isang infected na tao at sa baheng o ubo na iyun ay may mga droplets ng likido na nagdadala ng virus. Ang droplets ng likidong iyun ay medyo mabigat para ito ay magpalutang luting pa sa ere kundi ito ay dahan dahan na pababa sa lupa.

Pangatlo, Ang Coronavirus ay namamatay sa ultraviolet light. Dahil ang karamihan ay ginagamit ito pang-sterilized ng kanilang mga kamay. Sinabi ng WHO na ang ultraviolet light ay hindi nakakamatay ng COVID-19 at ito lamang ay magdudulot ng skin irritation.

Pangapat, Ang Coronavirus ay pwedeng maipasa sap era tulad ng barya at perang papel. Ayun sa WHO, ang mainfect ka galling sa mga perang hinawakan ng infected na tao ay may probability. Pero, nais nilang payuhan ang publiko na palaging maghugas ng kamay.

Panglima, Ang chlorine ay nakakapatay ng Coronavirus. Ang pag-spray ng chlorine or alcohol sa katawan ay magdudulot lamang ng pagkasira sa damit at maging ang ating mucous membrane. Maari daw gamitin ang mga ito sa pagdisinfect ng mga gamit.

Panganim, Ang paghugas ng loob ng ilong gamit ang salt water ay makakapigil na mainfect ka ng Coronavirus. Kahit na daw na napatunayan na ang paghuhugas ng loob ng ilong gamit ang salt and water solution ay mabisang pantulong sa pagpapagaling ng common cold, sa Coronavirus daw ay hindi basta basta.

Pangpito, Ang paglalagay ng Sesame oil sa balat ay mabisang panglaban sa Coronavirus. Sinabi nilang ang paglalagay nito ay hindi makakapigil ng pagpasok ng virus sa katawan.

Pangwalo, Ang Coronavirus ay nakakainfect lamang sa mga may edad na tao. Agaran naman itong sinagot ng WHO na ang COVID-19 ay kayang infect kahit sino man at kahit anong edad. Kaya lamang matunog ang maling balita na ito dahil ang matatanda ay medyo mahina na ang resistensya.

Pangsiyam, Ang pagkain ng bawang ay proteksyon sa COVID-19 infection. Kumalat ang maling balita na ito sa social media dahil ang bawang ay may antibacterial properties. Pero, wala pang pag-aaral na inaprobahan na ito ay totoo.

Pangsampo, Ang Pneumonia vaccine ay depensa tungo sa pagkakaroon ng COVID-19. Ang  pneumococcal and Haemophilus influenzae type B (Hib) vaccine ay hindi proteksyon pero ito ay kinakailangan ng mga tao para kahit papano ay may proteksyon sa kung ano pang respiratory disease.

Panglabingisa, Ang malamig na temperatura at yelo ay nakakamatay ng Coronavirus. Ang sabi naman ng WHO ay 36.5 and 37 degrees ang temperatura ng katawan ng tao kaya naman kahit ano paman ang temperature sa labas ng katawan, ang virus ay patuloy paring dadami kapag nakapasok na sa ating katawan.

Panglabingdalawa, Ang Coronavirus ay kayang maipasa  hanggang Walong metro. Ayun sa WHO, ang baheng ng isang tao ay aabot lamang ng isang metro dahil nga bawat droplets ng likido galling sa infected na tao medyo mabigat para ito ay lumutang pa sa hangin.

Panglabingtatlo, Hindi ligtas ang tumanggap ng padalang gamit galling China. Nasabi ng WHO na ang Coronavirus ay hindi maaring tumagal na nabubuhay sa labas ng infected na tao o hayup. Sa tagal ng byahe, ang virus ay magsisimula ng mamatay dahil kahilangan neto ng host para mabuhay at magparami.

Panglabingapat, Ang ihi ng mga bata ay mabisang proteksyon sa Coronavirus. Pinabulaanan ito ng WHO at sinabing, kahit nga bacteria ay hindi kayang pumatay ng ihi. Ang masama pa nga ditto, ang ihi ay pwedeng magdala din ng maliit na porsyento na kailangan para magsuporta ng pagdami ng bacteria or virus.

Panglabinglima, Ang ginamit na mask ay pwede uling gamitin. Ang paggamit ng nagamit nan a mask ay delikado para sa taong may suot neto. Lalo na ang harapan neto tapos babaliktarin ng gumamit kahit paman ito ay flat-fitting o N95 mask.

Panglabinganim, Ang paggamit ng Cocaine ay mabisang proteksyon para sa Coronavirus. Ang paggamit nito ay magdudulot lamang ng addiction at pwede pang ikasama ng taong gumagamit nito.

Panglabingpito, Ang mga alagang hayup tulad ng aso at pusa ay isang dahilan ng pagkalat ng Coronavirus. Sinabi ng WHO na wala pang basihan na kumakalat ito sa ating mga alang hayup. Pero mahigpit parin pinapayuhan ang publiko na panatiliin ang kalinisan at palaging maghugas ng kamay.

Panglabingwalo, Kayang patayin ang Coronavirus sa pamamagitan ng pag-hand dry. Walo katotohanan ito sabi ng WHO at pinaalalahan nalang ang publiko na laging maghugas ng kamay.

0 0 votes
Article Rating
Subscribe
Notify of
guest
0 Comments
Inline Feedbacks
View all comments